DAGDAG-PONDO | DOLE, umaasang madadagdagan pa ang kanilang budget para sa 2019

Manila, Philippines – Umaasa ang Department of Labor and Employment (DOLE) na makakatanggap ang ahensya ng dagdag na ₱2 billion budget para sa susunod na taon.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, umaapela siya ng dagdag-pondo para matulungan pa ang ibang OFW na nangangailangan ng repatriation.

Aniya, hindi sa lahat ng oras ay dedepende na lamang sa tulong ng isang host country.


Binanggit ng kalihim ang natanggap na tulong ng Pilipinas mula sa Middle East countries tulad ng Kuwait at Saudi Arabia.

Nilinaw ni Bello na hindi sila umaalma sa natanggap nilang budget.

Matatandaang nagsumite ang DOLE ng ₱17 billion budget proposal pero binigyan lamang sila ng pondo na nasa ₱13 billion para sa 2019.

Facebook Comments