May kumpas na mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang karagdagang pondo para sa malawakang coconut tree planting/replanting at fertilization program sa 2025.
Nagkakahalaga ng ₱2.5-billion ang inaprubahang dagdag pondo para sa fertilization program ng Philippine Coconut Authority (PCA), habang ₱1-bilyon dagdag ang para sa tree planting at replanting program.
Ayon kay PBBM, bahagi din ito ng pagsisikap ng pamahalaan na suportahan ang mga magniniyog at tiyakin ang kanilang pangmatagalang kaunlaran.
Nasa 100 million puno ng niyog ang target na maitanim ng pamahalan bago matapos ang administrasyon ni PBBM.
Target ng Pilipinas na maging number 1 exporter ng niyog sa buong mundo dahil pumapangalawa lamang ito sa Indonesia bilang biggest coconut exporting country.
Kaya naman tiniyak ng Pangulo na may sapat na pondo ang PCA para sa ilulunsad nitong malawakang coconut tree planting program.