Dagdag pondo para sa mga ospital na nasa tourist areas, panawagan ng isang kongresista

Hiniling ni AnaKalusugan Party-list Representative Ray Reyes sa Department of Health na dagdagan ang pondong nakalaan sa mga ospital sa mga lugar na dinadayo ng turista.

Layunin ng panawagan ni Reyes na matugunan ang kakulangan para sa kumpletong medical facility sa mga tourist areas sa bansa.

Diin ni Reyes, kailangang mamuhunan ang gobyerno para matiyak ang kaligtasan, maproteksyunan ang kalusugan at maibigay ang serbisyong nararapat sa mga lokal at dayuhang turista.


Binanggit ni Reyes na marami silang nakukuhang impormasyon na madalas ay inililikas pa sa tourist area at hinahanap ng ospital o medical facility ang mga turista na kailangang mabigyan ng medical emergency response.

Ang apela ni Reyes sa DOH ay kasunod din ng naging karanasan ng AnaKalusugan Party-list kaugnay sa mga first aid stations na inilagay nila sa iba’t ibang tourist spots nitong nagdaang Holy Week.

Sabi Reyes, nasa 3,000 ang mga turista na kanilang nabigyan ng emergency care at namahagi na rin sila ng snacks at tubig na inumin.

Facebook Comments