Nakatanggap ang bayan ng Manaoag ng karagdagang pondo para sa pagpapatibay ng Healthcare Referral Network (HRN) matapos pumasa sa performance assessment ng lalawigan.
Ayon sa Municipal Health Office, ang insentibong nagkakahalaga ng ₱1,726,248 ay ilalaan sa pagpapaigting ng patient referral system, pagsasaayos ng digital health processes, at pagpapatuloy ng mga programang pangkalusugan na makatutulong sa mas mabilis at maayos na paglipat at paglingap sa mga pasyente.
Katuwang ng MHO sa pagproseso ng pondo ang Municipal Treasurer, alinsunod sa mga rekisito ng probinsya.
Iginawad ng Provincial Health Office ang insentibo bilang bahagi ng regular na pagpapalakas at suporta sa mga LGU na nakatutupad sa itinakdang pamantayan sa serbisyong pangkalusugan.
Inaasahan ng lokal na pamahalaan makatutulong ang pondo upang higit pang mapahusay ang kalidad at koordinasyon ng healthcare services sa Manaoag.





