Manila, Philippines – Madaragdagan na ang porsyento sa premium contribution ng mga miyembro ng PhilHealth simula ngayon buwan (January 2018).
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, aakyat sa 2.75 percent ang magiging kontribusyon ngayon ng mga miyembro mula sa 2.5 percent.
Ito ay base sa pagkalkula sa buwanang basic pay ng mga miyembro kung saan nasa ilalim ito ng PhilHealth Circular 2017-0024 na pinirmahan noong October 2017.
Sinabi pa ni Duque na ang nasabing dagdag porsyento ay magbibigay daan sa pagdoble ng acturial life sa pondo ng PhilHealth mula apat at kalahating taon hanggang walo at kalahating taon.
Apektado ng adjustment ang mga miyembrong empleyado ng formal economy gaya ng mga kasambahay, family driver, OFW sa karagatan, at employers sa gobyerno at pribadong sektor.
Ipinaalala naman ni Duque na ang mga amo dapat ang sasagot sa kontribusyon ng mga kasambhay, bilang pagsunod sa domestic workers act, maliban na lamang kung sumasahod ang mga ito ng P5, 000.
Nabatid kasi na nasa higit P50 bilyon mula sa P165 bilyong budget ng Department of Health (DOH) para ngayong 2018 ang inilaan para sa PhilHealth.