Manila, Philippines – Kinuwestyon ng Laban konsyumer ang bagong Suggested Retail Price (SRP) na inilabas ng Department of Trade and Industry (DTI).
Sa panibagong SRP, mapapansin kasi na labing-tatlong produkto ang nagmahal ng mahigit piso gaya ng ilang brand ng sardinas, filled milk, sabon at asin.
Ayon kay Laban Konsyumer President Atty. Vic Dimagiba – para saan pa ang pangako ng mga manufacturer na hindi sila magtataas ng presyo sa loob ng tatlong buwan kung sa panibagong SRP ay nagpalusot na ng dagdag-presyo ang DTI.
Naniniwala rin si Dimagiba na ang taas-presyo sa mga pangunahing bilihin ay resulta talaga ng TRAIN law at hindi dahil sa krudo na idinadahilan ng gobyerno.
Dagdag pa ni Dimagiba, posibleng magtuluy-tuloy pa ang taas-presyo sa mga basic commodity sa mga susunod na taon.