DAGDAG PRESYO | Ikatlong oil price hike, aarangkada ngayong linggo

Manila, Philippines – Aarangkadda muli ngayong linggo ang muling pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo.

Ito na ang ikatlong pagtataas sa halaga ng petrolyo para sa kasalukuyang buwan.

Nasa 65-centavos ang imamahal ng presyo ng kada litro ng gasolina.


Tataas ng 40 –centavos naman ang bawat litro ng diesel habang 50-centavos ang dagdag sa kada litro ng kerosene.

Umabot na sa dalawang piso ang naidagdag sa halaga ng oil products dahil sa sunud-sunod na taas-presyo.

Facebook Comments