DAGDAG PRESYO | Presyo ng school supplies sa Baclaran, nagsimula ng tumaas ilang araw bago magpasukan

Manila, Philippines – Taliwas sa sinasabi ng Department of Trade & Industry (DTI) na wala nang magiging paggalaw sa presyo ng school supplies.

Tumaas na ng halos dalawang piso hanggang bente pesos ang presyo ng ilang school supplies dito sa Baclaran, Parañaque City ilang araw bago ang pasukan

Ang di-tahi na notebook na 80 leaves na dati 10 pesos lang, ngayon ay 12 pesos na ang isa.


Ang dating sampung pirasong notebook na mabibili sa 100 pesos ay 120 pesos na.

Sampung piso naman ang bentahan ng spiral notebook

Ang 80 leaves na intermediate pad ay 25 pesos, habang ang writing pad naman para sa grade 3, ay 10 pesos ang isa.

Ang lapis, 10 piso ang isang piraso, habang 10 piso rin ang pantasa at pambura.

Ang ball pen 8 pesos hanggang 15 pesos, 25 pesos naman kapag set na apat na piraso.

Ang 8 pieces na krayola na dating bente singko pesos, ngayon 35 pesos.

Ang 24 pieces na krayola naman na dating 50 pesos, ngayon ay 60 pesos na.

Ang pencil case 25 pesos hanggang 100 pesos depende sa disenyo.

150 pesos namang hanggang 300 pesos back pack na pwede sa grade schools depende sa disenyo.

Ayon sa mga nagtitinda ng school supplies posibleng mapako na ang presyo ng mga school supplies hanggang sa pasukan maliban lang sa notebook na posibleng tumaas pa ng piso.

Sa ngayon matumal pa ang bentahan ng supplies pero inaasahang dadagsa ang mgamamimili 3 araw bago ang pasukan.

Facebook Comments