Dagdag-presyo sa gasolina, aarangkada na naman ngayong linggo!

Nakaamba na naman ngayong linggo ang malakihang dagdag-presyo sa gasolina sa bansa.

Ayon sa Oil Industry sources, may hanggang P1.15 centavos na taas-presyo sa kada litro ng gasolina.

Habang posible namang bumaba nang hanggang 55 centavos ang kada litro ng diesel.


Kung sakali, ito na ang ika-sampung sunod na linggo na may taas-presyo sa gasolina at unang rollback naman sa diesel matapos ang siyam na sunod-sunod na linggo ng price hike.

Facebook Comments