Dagdag-presyo sa langis, namumuro na naman sa susunod na linggo

82

May namumuro na namang dagdag-singil sa presyo ng langis sa susunod na linggo.

 

Base kasi sa apat na araw na trading. Tumaas ang presyo ng krudo sa world market.


 

Sa pagtaya ng kumpanyang jetti, posibleng umabot sa P0.70 ang taas-presyo sa kada litro ng diesel habang P0.90 naman sa gasolina.

 

Pero pwede pang magbago ang nasabing halaga depende sa magiging resulta ng trading ngayong araw.

 

Karaniwang ipinatutupad ang oil price adjustment tuwing araw ng Martes.

 

Facebook Comments

From Advertisers