Dagdag-presyo sa LPG, bubungad sa mga konsyumer ngayong Aug. 1

Magpapatupad ng dagdag-presyo sa LPG ang ilang kumpanya ng langis ngayong araw.

Nauna nang nagpatupad ng dagdag na 30 centavos per kilogram ang Petron kaninang hatinggabi.

Mamayang alas-6:00 naman ng umaga sasalubong sa mga konsyumer ang 27 centavos per kilogram na increase sa Solane-branded LPG.


Katumbas ito ng mahigit tatlong pisong dagdag sa kada 11-kilogram na tangke ng LPG ng Petron habang ₱2.97 naman sa Solane.

Nagpaalala naman ang Department of Energy na epektibo ang price freeze sa LPG sa mga lugar na nakasailalim sa state of calamity.

Ibig sabihin, bawal magpatupad ng increase sa LPG sa loob ng 15 araw mula nang ideklara ang state of calamity sa isang lugar.

Facebook Comments