Dagdag presyo sa mga produktong petrolyo, epektibo ngayong araw

Manila, Philippines – Epektibo na ngayong araw ang taas presyo sa mga produktong petrolyo.

May dagdag na piso sa kada litro ng gasolina, 80 sentimos sa kada litro ng diesel habang 85 sentimos naman sa kada litro ng kerosene.

Unang nagpatupad ang Flying V kaninang 12:01 ng madaling araw na sinundan kaninang alas-6:00 ng umaga sa mga kumpaniyang Shell, Petron, PTT, Seaoil at Phoenix Petroleum.


Ito na ang ikatlong linggong sunod na nagtaas ng presyo ang mga kumpaniya ng langis sa kanilang mga produkto na umabot na sa mahigit 6 na piso sa gasolina at mahigit 7 piso naman sa diesel.

Facebook Comments