
Nakaamba ang taas-singil sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon kay Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Ronela Romero, ang taas-singgil susunod na linggo ay batay sa apat na araw na trading sa Mean of Platts Singapore (MOPS).
Ngunit, maaaring bumaba o tumaas ang pagtatayang ito depende sa resulta naman ng trading ngayong araw.
Tinatayang aabot sa P1 ang taas sa kada litro ng gasolina, tinatayang dagdag na P1.40 sa kada litro para sa diesel at tinatayang P0.80 sa kada litro ng kerosene.
Facebook Comments









