Dagdag-presyo sa produkto ng petrolyo, aarangkada bukas

Epektibo na bukas ng umaga, Disyembre 15, ang pagpapatupad ng oil price hike ng ilang kompanya ng langis sa bansa.

Karagdagang ₱0.50 ang ipapatong sa kada litro ng gasolina ng mga kompanyang Shell, SeaOil, Petro Gazz, PTT Philippines at Petron Corporation.

Habang ₱0.60 sa kada litro naman ng diesel at ₱0.55 sa kada litro ng kerosene.


Sa ngayon, ito na ang ikalimang sunod na linggo ng pagpapatupad ng oil price hike ng mga nasabing kompanya.

Facebook Comments