DAGDAG PWERSA | 100 SAF, ipakakalat sa mga lugar na tinukoy sa Memo Order 32 ni PRRD

Paplantsahin sa gagawing pulong ngayong linggong ito ng Joint Peace and Security Coordinating Council ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang guidelines sa pagpapatupad ng inilabas na Memorandum Order number 32.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Superintendent Benigno Durana, nakadepende sa magiging resulta ng isasagawang pulong ang magiging kabuuang bilang ng puwersang kanilang idaragdag sa Samar, Bicol, Negros Occidental at Negros Oriental.

Ayon pa kay Durana, sa ngayon, humigit kumulang isandaang miyembro ng Special Action Force (SAF) ang ikakalat sa nabanggit na lugar.
Kung saan may malakas na puwersa ng CPP-NPA at NDF.


Kaugnay nito, tumanggi munang magbigay ng komento hinggil dito ang panig ng AFP subalit tiniyak ng tagapagsalita nitong si Brig. Gen. Edgard Arevalo na susuportahan nila ang anumang hakbang upang masupil ang pagkalat ng karahasan sa ngalan ng kapayapaan.

Facebook Comments