Manila, Philippines – Nakumpleto na Philippine National Police (PNP) ang recruitment sa mga bagong myembro ng Special Action Force (SAF).
Sinabi SAF Spokesperson Senior Inspector Jonalyn Malnat, nabuo na nila ang 5 batalyon ng elite force o katumbas ng 1,920 SAF member na sasabak sa basic recruitment at field training at magtutuloy-tuloy hanggang sa Enhance Basic Internal Security Course.
Aniya May 2, 2018 natapos ang recruitment kung saan 3 batch na ang nagtapos sa 6 buwan ng pasasanay habang may 3 panibagong batch pa na sasalang sa training ngayong taon.
Dahil sa 1,920 na dagdag pwersa, mula sa 4,000 ay nasa mahigit 6,000 na ngayon ang myembro ng SAF.
Matatandaang, prayoridad ngayon ng pambasang pulisya na madagdagan ang PNP Special Action Force (SAF) matapos na ipagutos Ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagre-recruit.
Ayon sa Directorate for Records and Management, matagal na itong plano ng PNP, ngunit naging priority na lamang ito ng Pangulo dahil sa nangyari sa Marawi City.