DAGDAG PWERSA | Asset-freeze sanctions ng Japan sa NoKor, pinaghahandaan

World – Nagdagdag pa ang Japan ng 19 na organisasyon at indibidwal na magiging target ng kanilang asset-freeze sanctions laban sa North Korea.

Ito ay dahil sa paulit-ulit na paglulunsad ng ballistic missile ng North Korea na bumabagsak sa exclusive economic zone ng Japan.

Kabilang sa mga papatawan ay mga organisasyong nasa financial services, coal and minerals trading, transportasyon, at mga kumpanyang nagpapadala ng North Korean laborers sa abroad.


Una nang pinatawan ng Japan ng blanket ban sa trade at port calls ang komunistang bansa.

Facebook Comments