Manila, Philippines – Magre-recruit pa ang Philippine National Police (PNP) ng dalawang libo at limang daang mga bagong pulis para mabilang sa hanay ng PNP Special Action Force.
Ito ang inihayag ni PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa matapos na ipag-utos mismo sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagrere-recruit pa ng 2500 na mga bagong SAF members o katumbas ng limang batalyon.
Ayon kay Dela Rosa, malaki ang maitutulong ng mga miyembro ng PNP SAF sa counter terrorism, internal security operations lalot malaki aniya ang problema ng pamahalaan ngayon sa mga miyembro ng New People’s Army.
Maliban sa ire-recruit na limang batalyon, patapos na rin ayon kay kay Dela Rosa ang pag-recruit nila ng limang batalyon na una ng recruit ng PNP para pa rin sa all-out war ng pamahalaan sa terorismo.
Dagdag pa ni Dela Rosa na nasabi niya na kay Pangulong Duterte ang pagdagdag ng tauhan sa Bureau of Correction at ito aniya ay bahagi na ng BuCor modernization program at dahan dahan ng ipinatutupad.