DAGDAG-PWERSA | PRRD, magpapadala ng military division kontra Abu Sayaff sa Sulu

270

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng deployment ng military division para matugunan ang peace and order situation sa Jolo, Sulu.

Ayon sa Pangulo – nais na niyang tuldukan ang karahasan sa lugar.

Ikinalulungkot niya ang ginagawang pagpatay sa kanyang mga sundalo.

Nangako rin ang Pangulo na bibigyan ang mga sundalo ng dagdag na armas para puksain ang mga kalaban ng gobyerno.

Matatandaang nitong nakaraang buwan, nag-isyu ang Pangulo ng Memorandum Order no. 32 na nagdaragdag ng tropa sa Visayas at Bicol Region para mapigilan ang pagkalat ng karahasan at terorismo.

Facebook Comments