Magtatalaga ang Philippine National Police (PNP) ng Elite Special Action Forces nito sa mga rehiyon na laganap ang lawless violence.
Ito ay kasunod ng paglalabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ng memorandum order no. 32 na nagdaragdag ng pwersa ng pulis at sundalo sa Samar, Negros Oriental, Occidental at sa Bicol Region.
Ayon kay PNP Spokesperson, Chief Superintendent Benigno Durana – tugon nila ito sa inilabas na memo.
Aniya, buo ang kanilang suporta bilang bahagi ng security sector ng pamahalaan.
Ang bilang ng mga itatalagang pulis ay depende sa resulta ng kanilang pulong kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ang dagdag pwersa sa apat na rehiyon ay makatutulong lalo at nalalapit na ang founding anniversary ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa December 26.
Ang mga nabanggit na rehiyon ay matinding pinamumugaran ng rebeldeng New People’s Army (NPA).
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>