Manila, Philippines – Inaprubahan na ng wage board ang dagdag na P21 minimum *wage para sa mga manggagawa sa Metro Manila.*
Epektibo ito sa Oktubre kung saan mula sa P491 ay magiging P512 na ang rate ng isang mangagawa kada araw.
Gayunman, ang nasabing increase ay mas mababa sa hiling ng tatlong labor unions na unang naghain ng petisyon noong Hunyo.
Sa petisyon ng Associated Labor Unions (ALU), humihiling sila ng P184 dagdag sahod habang ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ay umapela ng dadag na P259.
Pinatataasan naman ng Association of Minimum Wage Earners and Advocates (AMWEA) ang kada araw ng mangagawa sa P1,200.
Giit naman ni ALU-TUCP Spokesperson Alan Tanjusay, kulang na kulang ang nasabing dagdag sahod.
Facebook Comments