DAGDAG-SAHOD | 2 panukala na nagsusulong ng mataas na minimum wage, inihain sa Kamara

Manila, Philippines – Isinusulong ng MAKABAYAN Bloc ang mas mataas na minimum wage para sa mga taga-gobyerno.

Inihain ng grupo sa Kamara ang dalawang panukalang batas na layong itaas ang sahod ng mga taga gobyerno sa harap ng epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.

Ang House Bill 7196 ay nagtataas sa sahod ng mga nurses na naglilingkod sa gobyerno sa P30,000 na minimum wage habang ang House Bill 7196 naman ay nagtataas ng minimum na sahod ng iba pang kawani ng pamahalaan sa halagang P16,000 kada buwan.


Layunin ng mga inihaing panukala na hindi mahuli sa salar adjustment ang iba pang bahagi ng burukrasya matapos na doblehin ng Malakanyang at Kongreso ang sweldo ng mga Sundalo, Pulis at iba pang uniformed personnel.

Nanawagan din ang MAKABAYAN Bloc sa Kamara na suportahan ang dalawang bills para sa salary wage increase bilang tulong na rin sa mga kawani ng gobyerno.

Facebook Comments