DAGDAG SAHOD | Higit ₱300 umento sa sahod, inihihirit ng ilang labor groups

Manila, Philippines – Muling humirit ang ilang labor group ng P334 umento sa sahod ng mga minimum wage worker sa Metro Manila.

Una nang hiniling ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) ang P320 wage hike noong Hunyo pero itinaas nila ito ngayon sa P334.

Giit ni ALU-TUCP spokesperson Alan Tanjusay, humina na kasi ang purchasing power o kayang bilhin ng P512 minimum wage sa National Capital Region (NCR) dahil sa inflation o pagtaas ng halaga ng mga bilihin at serbisyo sa bansa.


Matatandaang nitong Setyembre pumalo sa 6.7 porsiyento ang inflation rate na pinakamataas sa nakalipas na siyam na taon.

Facebook Comments