Dagdag-sahod, inaprubahan para sa mga obrero sa CALABARZON at Central Visayas

Naglabas na ng wage orders ang Regional Tripartite Wages and Productivity Boards ng Region 4A at Region 7 para sa dagdag sahod ng mga manggagawa roon.

Kinumpirma ng Department of Labor and Employment (DOLE) na pinagtibay ito ng National Wages and Productivity Commission (NWPC).

Magiging epektibo ang dagdag sahod sa Region 4A sa Sept. 30, at ang ikalawang bahagi ay sa April 01, 2025 habang sa Oct. 02 naman para sa Region 7.


Sa desisyon ng wage board ng Region 4A, magiging 450 hanggang 560 pesos na ang arawang sahod ng mga nasa non-agriculture sector, P425-500 sa agriculture sector at P425 naman para sa retail at service establishments na wala pang 10 ang empleyado.

Isa sa halimbawa na hinati sa dalawa ang umento ay ang Rosario, Cavite na 1st class municipality kung saan P41 ang unang dagdag para sa non-agriculture sector at P20 ang second tranche o ikalawang bahagi.

Samantala sa Central Visayas naman, hinati ang mga lungsod sa class A, B at C kung saan P501 ang magiging bagong arawang sahod sa class A, P463 sa class B at P453 sa class C.

Ilan sa mga nasa class A ay ang mga lungsod ng Carcar, Cebu, Danao, Lapu-Lapu, Mandaue.

Habang kasama sa class B ang Bais, Bayawan, Bogo, Canlaon.

Facebook Comments