Manila, Philippines – Ipapanukala ng Department Of Labor and Employment (DOLE) ang P100 hanggang P200 buwanang ayuda sa mga manggagawang sumasahod ng minimum wage.
Ito ay bilang tulong sa epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, hindi kasi kakayanin ng gobyerno ang P500 monthly subsidy na hinirit ng mga labor group.
Pero giit ni Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) Spokesman Alan Tanjusay, kulang ito sa mga kumikita ng minimum.
Dagdag pa ni Tanjusay, posibleng humina ang suporta ng publiko kay Pangulong Rodrigo Duterte kapag napabayaan ang mga manggagawa.
Sa Marso 15 ay nakatakdang magkita ang labor groups at economic managers sa harap ni Duterte.