DAGDAG SAHOD | Malacañang, tiniyak na pagdedesisyunan na sa lalong madaling panahon ang panukalang minimum wage hike

Manila, Philippines – Inaasahang pagdedesisyunan na sa lalong madaling panahon ng regional wage boards kung ipatutupad o hindi ang panukalang taasan ang minimum wage ng mga manggagawa dahil sa rin sa mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.

Ito ang pahayag ng Malacañang para mawakasan na ang mga pagdududa ng ilan na ‘publicity stunt’ lamang ito ng gobyerno.

Pero aminado si Presidential Spokesman Harry Roque, legally impossible para sa gobyerno na magpatupad ng national minimum wage lalo at itinatag ng batas ang wage boards.

Aniya, kailangang bumuo ang kongreso ng batas ukol sa national minimum wage para mangyari ito.

Una nang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Labor and Employment na mag-convene sa wage boards at pag-aralan ang posibleng umento sa minimum wage.

Facebook Comments