Dagdag sahod ng mga kasambahay sa Metro Manila, lusot na sa Regional Tripartite Board – DOLE

Lusot na sa Regional Tripartite Wage Board ang dagdag sahod sa mga kasambahay sa Metro Manila.

Ang dating 3,500 pesos na sweldo ay magiging 5,000 pesos na.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III – mas maganda pa sana kung mas mataas pa rito ang kanilang matatanggap.


Bago matapos ang taon, kailangan nang bayaran ng mga employer ang kanilang mga kasambahay ng kaukulang sahod.

Sa ngayon, hinihintay ang desisyon ng National Wages and Productivity Board (NWPB) bago ito tuluyang ipatupad.

Muling namang nagpaalala ang labor department sa mga employer tungkol sa mga benepisyong matatanggap ng mga kasambahay gaya ng SSS, PhilHealth, at Pag-IBIG.

Facebook Comments