Dagdag-sahod ng mga manggagawa sa Cagayan Valley, Central Luzon, at SOCCSKSARGEN, tinaasan ng Wage Board

Epektibo sa October 17, madadagdagan na ang sahod ng mga manggagawa sa mga pribadong kumpanya sa Cagayan Valley, Central Luzon, at SOCCSKSARGEN o South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani, at General Santos City.

Ito ay matapos aprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) ang dagdag sahod sa mga manggagawa sa naturang mga rehiyon.

P30 ang itataas sa sahod sa Cagayan Valley, P50 hanggang P66 sa Central Luzon, at P27 hanggang P48 naman ang SOCCSKSARGEN.


Inaprubahan din ng Wage Boards ng P500 ang buwanang sahod ng mga kasambahay sa Cagayan Valley.

Facebook Comments