Dagdag-sahod ng mga taga gobyerno, inaasahang mababanggit sa SONA ni PBBM

Inaasahan ng Department of Budget and Management (DBM) na mababanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang State of the Nation Adress (SONA) ang dagdag-sahod para sa mga nagtatrabaho sa gobyerno.

Sa panayam dito sa Malacañang, sinabi ni Secretary Amenah Pangandaman na bukod din sa estado ng ekonomiya ng bansa na sana’y mabanggit din ang estado ng employment sa kasalukuyan.

Gayundin ang anti-corruption reforms na ginagawa ng administrasyon.


Ayon naman kay Education Secretary Sonny Angara na hindi na siya magugulat kung mababanggit ang isyu ng POGO sa bansa dahil mainit na usapin ito ngayon.

Samantala, binuksan na ng Malacañang ang SONA website para saikatlong SONA ni Pangulong Marcos ngayong araw.

Ang website ay ma-access sa sona.gov.ph para sa livestreaming at live updates ng SONA na magsisimula mamayang alas-4:00 ng hapon.

Facebook Comments