DAGDAG SAHOD NG MGA TANOD, SA DAGUPAN CITY MATATANGGAP NA

74

Matapos maaprubahan noong buwan ng hunyo ang dagdag allowance ng mga barangay tanod sa lungsod, ay masayang ibinalita sa mga ito ng City Government office na kanilanna itong matatanggap ngayong linggo.

Tinatayang nasa mahigit limang daang barangay tanod ang mayroon sa lungsod na mula sa 31 barangay.

Mula sa 700 pesos na kanilang buwanang allowance ay magiging 1,200 pesos na ito.


Samantala, ang buwanang allowance ay ipinagkaloob sa kanila bilang dagdag sa allowance na natatanggap ng mga tanod mula sa kani-kanilang mga barangay. | ifmnews

Facebook Comments