DAGDAG SAHOD | P25 minimum wage hike, posibleng ipatupad na sa Nov. 27

Manila, Philippines – Epektibo na sa November 27 ang inaprubahang P25 minimum wage increase para sa mga manggagawa sa Metro Manila.

Ito ang kinumpirma ni Labor Secretary Silvestre Bello III.

Sabi ng kalihim – posibleng sa Lunes pa, November 12, mailalathala sa mga pahayagan ang tungkol sa wage order.


Magiging epektibo kasi ang kautusan, 15 araw matapos itong mai-publish sa dyaryo.

November 5 nang aprubahan ng wage board ang P25 wage hike na mababa kumpara sa P334 na hirit ng mga labor group pero mas mataas naman sa nais ng bente pesos ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP).

Facebook Comments