Manila, Philippines – Minamadali na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga proseso para maitaas na ang sahod ng mga manggagawa sa ilan pang bahagi ng bansa.
Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III – nagsasagawa na ang mga regional wage boards ng hearing patungkol sa hirit ng mga manggagawa na dagdag sahod.
Kaya asahan na simula sa buwan ng Oktubre ay maipatupad na ang wage increase sa mga rehiyon ng Cagayan Valley, Calabarzon, Mimaropa, Northern Mindanao at Metro Manila.
Una nang iginiit ni Bello na malabong mapagbigyan 320 pesos na umentong inihihirit ng mga manggagawa.
Facebook Comments