DAGDAG SAHOD | Pagtaas ng base pay ng mga uniformed personnel, pasado sa komite ng Senado

Manila, Philippines – Lumusot na sa committee level ng Senado ang joint resolution 9 para itaas ng 100 percent ang base pay ng mga sundalo, at iba pang uniformed personnel.

Ngayong araw ay sumalang ito sa una at huling pagdinig ng Committee on National Defense, Public Order and Dangerous Drugs, at Finance.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, target itong ipatupad sa pagpasok ng taong 2018 na paglalaanan ng mahigit 60-billion pesos na salapi.


Pero apela ni lacson, dapat ay maisama na rin ang pataas sa pensyon ng 200,000 retirees na mangangailangan ng P38 billion piso na pondo.

Facebook Comments