DAGDAG SAHOD | Pangulong Duterte, nagbantang magbibitiw sa pwesto kapag hindi naitaas ang sahod ng mga pulis at sundalo

Manila, Philippines – Ibinunyag ni PNP Chief Ronald dela Rosa na nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na magbibitiw sa pwesto.

Ito ay kapag hindi naitaas ang sahod ng mga pulis at sundalo ngayong taon.

Ayon kay dela Rosa pinulong ng Pangulo ang kanyang gabinete at kaalyado sa kongreso tungkol dito.


Ito aniya ang dahilan kung bakit inapura ang dagdag sahod ng mga pulis at sundalo na naipatupad na nitong Enero.

Sa ipinatupad na salary hike, hindi bababa 60% ang nadagdag sa take home pay ng mga pulis at sundalo.

Facebook Comments