Manila, Philippines – Maghahain ngayong araw ang Makabayan Coalition sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ng isang panukalang batas kaugnay ng minimum wage.
Ayon sa Kilusang Mayo Uno (KMU), layon ng ihahaing panukalang batas na itakda na sa P750 ang minimum wage ng mga manggagawa bilang solusyon sa hindi magandang epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN law.
Maliban rito, maghahain rin sila ng petisyon sa Kamara na humihiling na ipabusa ang TRAIN law na minadaling anilang maipasa ng Administrasyong Duterte.
Kasabay nito, ikinasa rin ng grupo ang mga kilos protesta sa bisinidad ng Kamara.
Facebook Comments