Muling nanawagan ang grupo ng mga nurse sa pamahalaan para sa mungkahing pagtataas ng sahod.
Ayon sa Philippine Nurses Association (PNA) President Melbert Reyes, lubhang mababa ang sahod ng mga nurse sa bansa kumpara sa ibang bansa.
Aniya, ang laman ng kanilang panawagan ay hindi para sa malaking sahod kundi nais lamang nilang matanggap ang sahod na sasapat para sa kanila.
Dagdag pa nito, may ilang ospital din kasi ang nagpapasahod lamang ng P8,000 kada buwan sa kanilang mga empleyado.
Kaugnay nito, sinabi ng Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPi) posibleng sa mga susunod na buwan ay magkulang na ang bansa sa mga medical health worker.
Paliwanag nito, tumataas kasi ang bilang ng mga health worker na nagpapasa ng kanilang resignation letter para mag-abroad dahil mas malaki ang alok na sahod doon sa kabila ng nararanasang pandemya.
Dahil dito, ipinanawagan din ng PHAPi na i-subsidize ng gobyerno ang ilang pribadong ospital para maitulak nila ang pagtaas ng sahod ng mga ito.