DAGDAG SAHOD | Resulta ng pag-aaral ng Regional Tripartite Wage Board, para sa dagdag sweldo, inaasahang lalabas ngayong buwan

Manila, Philippines – Inaasahan ng Department of Labor and Employment na ngayong buwan lalabas ang resulta ng isinasagawang public hearing ng Regional Tripartite Wage Board para sa dagdag sahod ng mga minimum wage earners.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang board na ito ay binubuo ng mga manggagawa, mga employer at ng DOLE.

Walang tinukoy na eksakong halaga ang kalihim upang aniya ay di makaapekto sa isinasagawang pagdinig.


Ang pahayag na ito ni Sec Bello ay kaugnay sa panawagan ng mga manggagawa kasunod ng dagdag pisong singil sa pasahe.

Facebook Comments