Aprubado na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board 1 ang dagdag sahod sa minimum wage sa Ilocos Region.
Sa inilabas na Wage Order na inaprubahan noong ika-11 ng Mayo, nasa 400 pesos na ang arawang sahod ng mga non-agriculture establishments sa mga mayroong empleyadong sampu pataas at 372 pesos para sa mga non agriculture na may empleyadong hindi baba sa sampu.
Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Regional Director Atty. Evelyn Ramos, ang dagdag sahod ay epekto ng mga isinagawang public consultation at hearings sa iba’t-ibang labor sectors sa apat na probinsiya.
Aprubado din ang 5, 000 pesos na minimum wage ng mga kasambahay mula sa 3, 500 hanggang sa 4,500 na dating sahod ng mga ito.
Isusumite ito sa National Wages and Productivity Commission at magiging epektibo ang dagdag sahod sa 15 araw matapos ilathala sa mga dyaryo. | ifmnews
Facebook Comments