Dagdag-sahod sa Metro Manila, nakadepende sa regional tripartite board – DOLE

Manila, Philippines – Hindi posible ang inihihirit na umento sa sahod sa Metro Manila kasabay ng Labor Day bukas (May 1).

Sa interview ng RMN Manila kay Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III, binigyan diin nito na nakadepende ang dagdag umento sa mga manggagawa sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB).

Aniya, batay sa kanilang timeframe ay hindi posible ang pagpapatupad RTWPB ng dagdag sahod sa mismong araw ng paggawa.


Una nang inihain ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na P710 kada araw na across-the-board wage hike para sa mga mangagagawa ng Metro Manila.

Sa kanilang petisyon, iginiit ni TUCP President Raymond Mendoza na undernourished ang minimum wage earners sa Metro Manila dahil hindi sapat ang kanilang sahod para sa arawang mimimum nourishment requirement.

Facebook Comments