Dagdag-sahod sa mga domestic helper, ipinatupad sa 3 rehiyon sa bansa

Ipinatupad na ang umento sa sahod para sa domestic helper sa tatlong rehiyon sa bansa.

Base sa datos ng National Wages and Productivity Commission (NWPC), nag-isyu ng bagong wage orders sa Ilocos, Cordillera Administrative Region at Western Visayas.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III – ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa Ilocos ay itinaas ang minimum pay ng mga domestic worker mula ₱3,500 sa ₱4,000 epektibo nitong April 30.


Ang minimum wage ng domestic workers sa Cordillera ay tinaas sa ₱4,000 na epektibo kahapon, May 1.

Simula naman sa Mayo a-otso ang ₱4,000 na minimum pay para sa domestic helpers sa Western Visayas.

Samantala, pinag-aaralan pa ang petisyon ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang 710 peso na arawang minimum wage sa Metro Manila.

Facebook Comments