Dagdag sahod sa mga guro, tiniyak ni Pangulong Duterte

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na maibibigay ang umento sa sahod para sa Public School Teachers ngayong taon.

Sa kanyang Press Conference sa Davao City, ayon sa pangulo na ang dagdag-sahod para sa mga guro ay hindi 100%, tulad sa mga sundalo at pulis noong 2018.

Dagdag pa ng pangulo, hindi siya magbibigay ng tiyak na petsa kung kailan ipapatupad ng increase.


Una nang sinabi ng mga Senador na gagawing prayoridad ang salary increase ng mga guro bilang pagdiriwang ng World Teacher’s Day.

Facebook Comments