Dagdag sahod sa mga guro, tiniyak ni PRRD

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na inaasikaso na ng gobyerno ang panukalang dagdag sahod sa mga public school teachers sa bansa.

Sa kanyang talumpati sa oath taking ng mga bagong-halal na opisyal sa Cagayan de Oro City, siniguro ng Pangulo na ang mga guro ang susunod na makakatanggap ng umento sa sahod matapos itaas ng gobyerno ang kompensasyon ng mga sundalo at pulis.

Paliwanag ng Pangulo – dinoble niya ang sahod ng mga sundalo at pulis bilang pagkilala sa kanilang sakripisyo at dedikasyon.


Ipinayoridad niya ang taas-sahod ng mga ito dahil iniaalay ng mga sundalo at pulis ang kanilang buhay para magsilbi at protektahan ang bansa.

Bago ito, umapela ang Malacañang sa mga guro na maghintay dahil naghahanap ang gobyerno ng pondo para sa panukalang taas-sahod.

Facebook Comments