Dagdag-sahod sa mga kawani ng gobyerno, matatanggap na simula ngayong araw

Matatanggap na simula ngayong araw ang dagdag-sahod sa higit isang milyong kawani ng gobyerno.

Ito ay matapos mag-isyu ang Department of Budget and Management (DBM) National Budget Circular no. 575 o pagpapatupad ng fourth-tranche ng compensation adjustment para sa civilian personnel sa national government.

Ayon kay Budget OIC Janet Abuel – nakamandato sa Executive Order 76 ni Pangulong Rodrigo Duterte na huhugot ng pondo sa reenacted 2018 national budget para sa salary increase.


Sa ilalim ng circular, ang umento sa sahod ay retroacted sa January 1, ibig sabihin tatlong buwang sahod ang matatanggap ng mga government employees.

Si Pangulong Rodrigo Duterte ay inaasahang makatatanggap na ng ₱399,739 na sahod mula sa dating ₱298,083.

Ang lowest-paid government worker naman ay makatatanggap ng isang libong pisong umento, mula sa 10,050 pesos ay magiging 11,068 hanggang 11,732 pesos, depende sa haba ng paninilbihan.

Sina Vice President Leni Robredo, Senate President Tito Sotto III, Speaker Gloria Macapagal-Arroyo at Chief Justice Lucas Bersamin ay may maximum salary ngayong taon na ₱353,470, mas mataas kumpara sa ₱264,721 noong nakaraang taon.

Ang mga cabinet members, senador at kongresista ay may sahod na ng ₱295,191, mula sa dating ₱223,590.

Facebook Comments