
Naniniwala si Senator Grace Poe na napapanahon at makabuluhang regalo para sa mga manggagawa ang dagdag sahod matapos ang pagdiriwang ng Labor Day.
Ayon kay Poe, bigyan naman ng panahong makapagpahinga at maiparamdam ang bunga ng pagsisikap ng kanilang mga pinagtrabahuan.
Sinabi ni Poe na patuloy nilang itinutulak ang pagsasabatas para sa disenteng sahod ng mga manggagawa kabilang na dyan ang dagdag na teaching allowance sa mga guro na ngayon ay batas na, ang P100 daily minimum wage hike na ngayon ay nakabinbin pa rin sa Kongreso at sapat na sahod din sa mga kabilang sa informal sector.
Hinihikayat din ni Poe ang mga employer na magbigay ng dagdag na allowance o benepisyo para palawakin ang pwedeng maibigay na tulong sa mga empleyado.
Dagdag pa ni Poe, karapat dapat lang ang disenteng pasahod sa ating labor force para mabigyan ng maayos na pamumuhay ang mga pamilya.









