Dagdag-sahod sa mga manggagawa sa Metro Manila, epektibo na ngayong araw; Wage increase sa Region 4-A, aprubado na rin

Epektibo na ngayong araw, Hunyo 4 ang P33 dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earner sa Metro Manila.

Dahil dito, ang P537 na arawang sahod ng mga manggagawa sa National Capital Region (NCR) ay magiging P570 na para sa non-agricultural sector habang P533 naman para sa agricultural sector.

Bukas naman magiging epektibo ang P55 hanggang P110 na dagdag-sahod sa Western Visayas.


Nauna nang inaprubahan ang wage increase bunsod ng sunod-sunod na oil price hike at pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Samantala, inaprubahan na rin ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang P47.00 hanggang P101.00 na dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earner sa Region 4-A.

Nauna na ring inaprubahan kahapon ang dagdag-sahod sa Davao Region na P47.00.

Facebook Comments