Wednesday, February 25, 2026

Dagdag sahod sa mga minimum wage earner sa Davao Region, ipatutupad sa susunod na buwan

May inaasahang dagdag-sahod ang mga manggagawa sa Davao Region matapos aprubahan ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) ang umento sa sahod sa Region 11.

Ayon sa NWPC, tinatayang 66,772 minimum wage earners ang makikinabang sa dagdag na sahod na naglalaro mula P20 hanggang P30 kada araw.

Dahil dito, papalo na sa P525 ang daily minimum wage para sa non-agriculture sector, habang P515 naman sa agriculture sector.

Samantala, aprubado rin ang P500 dagdag sa buwanang sahod ng mga kasambahay sa Chartered Cities at First-Class Municipalities, at P1,500 naman sa ibang munisipalidad.

Ibig sabihin, aabot na sa P6,500 ang buwanang minimum na sahod ng mga domestic worker sa Davao Region, na mapapakinabangan ng mahigit 64,000 kasambahay.

Epektibo ang bagong minimum wage sa March 13, habang ang ikalawang bugso ng dagdag-sahod ay ipatutupad sa unang araw ng September.

Facebook Comments