DAGDAG SAHOD | Sweldo ng mga uniformed personnel, tataas sa Enero

Manila, Philippines – Nalalapit na ang pagpapatupad ng dagdag na sahod sa mga uniformed personnel na posibleng sa Enero ng 2018 ay maibigay na.

Ito ay matapos aprubahan ng House Committee on Appropriations ang House Joint Resolution 18 para sa dagdag na base pay ng mga uniformed personnel ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Bureau of Fire Protection (BFP).

May dagdag din sa base pay ang mga uniformed personnel sa ilalim ng Philippine Public Safety College (PPSC), Philippine Coast Guard (PCG) at National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA).


Nasa 58.7% ang itataas ng sahod ng mga nabanggit na ahensya na hahatiin sa dalawang tranche, 2018 at 2019.

Tinatayang aabot sa 63.4 Billion pesos ang kakailanganing pondo para sa umento sa sahod.

Tinitiyak naman ng inaprubahang resolusyon na hindi maaapektuhan ang indexation ng pension lalo na ng mga nasa AFP.

Sina Speaker Pantaleon Alvarez, House Majority Leader Rodolfo Fariñas, House Minority Leader Danilo Suarez at Appropriations Chairman Karlo Alexei Nograles ang mga may-akda ng nasabing resolusyon.

Facebook Comments