Manila, Philippines – Inihain ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa wage board ang 320 pesos across-the-board wage increase sa pribadong sektor sa Metro Manila.
Ayon kay TUCP President Raymond Mendoza, ang kasalukuyang daily minimum wage na 512 pesos sa Metro Manila ay hindi sapat para sa pamilya na may limang miyembro.
Dagdag pa ni Mendoza, binanggit nila sa kanilang petisyon ang pahayag ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Ernesto Pernia kung saan kailangan ng 42,000 pesos kada buwan para makapamuhay ng maayos ang isang pamilya.
Pero sinabi ng ALU-TUCP na magiging ‘survival wage’ lamang ang 832 pesos na arawang minimum wage sa Metro Manila lalo at mataas ang halaga ng bigas, langis, sardinal, school supplies, edukasyon, medical support, transportasyon at iba pang pangunahing bilihin at serbisyo bunsod ng implementasyon ng TRAIN Law, pagtaas ng presyo ng petrolyo at pagbaba ng halaga ng piso.