DAGDAG-SAHOD | Wage adjustment deliberations, pinabibilisan na ni Labor Sec. Silvestre Bello

Manila, Philippines – Pinabibilis ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang regional wage boards sa kanilang deliberasyon tungkol sa wage adjustments.

Kwento ng kalihim, dapat maipatupad ang wage adjustments sa katapusan ng Hunyo hanggang July 15.

Sabi naman ni National Wages and Productivity Commission Executive Director Maria Criselda Sy, ang mga mag-iisyu ng wage order sa lalong madaling panahon ay ang mga rehiyon ng: Cordillera Administrative Region (CAR), Central Luzon (Region 3), Western Visayas (Region 6), Zamboanga Penunsula (Region 9), at Davao Region (Region 11).


Base sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang national inflation rate para sa buwan ng Mayo ay nasa 4.6%.

Ang inflation sa Davao Region ay 5.0%, Western Visayas ay 5.5%, at Zamboanga Peninsula ay nasa 6.1 %.

Nasa 3.8% ang inflation sa CAR habang 2.6% sa Central Luzon.

Ibinabase ang wage adjustment sa inflation rate ng isang partikular na rehiyon.

Facebook Comments