Manila, Philippines – Tataas ng 0.2250 o 0.23 cents per kwh ang singil sa electric bill ngayong buwan ng Abril.
Ibig sabihin sa mga kumukonsumo ng
200kwh – katumbas ito ng 45pisong
300kwh – 68 pesos
400kwh – 90 pesos
500kwh – 113 pesos
Ito ayon sa MERALCO ay dahil sa pagtaas ng demand sa kuryente, habang bumaba naman ang supply nito.
Tipikal anila na nagtataas ang singil sa kuryente tuwing pumapasok ang summer season.
Nakadagdag rin ang 0.17 pesos kwh na generation charge sa pagtaas ng singil sa kuryente.
Ayon sa MERALCO, bababa o magiging normal ulit ang singil sa kuryente pagdating pa ng tag ulan. Dahil dito, pinapayuhan ang mga consumer na magtipid muna sa paggamit ng kuryente.
Facebook Comments